Local News

Watch! Roxas, Sapul kay DU30 “Anong nagawa niya? Ngayon babalik na naman?”

Sa talumpati ni Panfuong Rodrigo Duterte para sa kanyang political party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Mayor Vitaliano D. Agan Coliseum sa Zamboanga City, binanatan ng Presidente si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary at ngayo’y senatorial aspirant Mar Roxas.

Ikinuwento ng Pangulo sa kanyang speech kung paano naging arogante si Roxas noong alkalde pa lang siya ng Davo City. Hindi raw pinansin ni Roxas ang ilang local government official sa isang pagtitipon, bagkus ibinaling daw ng dating DILG secretary ang pansin nito sa mga justices na dumalo sa okasyon .

Wala rin daw pag-asa si Roxas na manalo laban sa kanyang dating aide na si Christopher “Bong” Go sa paparating na eleksyon.

“Kung yung kampanya niya (Roxas) ginawa niya the best niya, hindi siya manalo kay Bong,” sabi ni Duterte.

Tinanong din ng Pangulo ang mga supporters ni Roxas kung ano daw ang nagawa ng kanilang iniidolo.

“Kayong mga liberal, magtanong lang ako diyan, anong nagawa niya? anong nagawa niya na naiwan niya sa bayan? secretary of trade kay Macapagal (Arroyo), pagkatapos nong eleksyon, lukso siya kay Aquino.. secretary of Finance.. tapos secretary of communications.. tapos DILG… Nadaanan niya naman lahat yan.. ano ang nagawa niya.. bigyan mo ko isa. Dinaanan na niya lahat. Ngayon babalik ka na naman. Ano na naman ang dadalhin mo?” banat ni Duterte.

Binanatan din ng Pangulo ang ibang miyembro ng Otso Diretso.

Panoorin ang kanyang talumpati sa video sa ibaba.

Source: RTVM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén