Local News

Watch! Salawahang Misis, Tumatanggap ng Pera sa Asawa kahit na may Kabit!

Lumapit sa programang ni Raffy Tulfo ang isang pamilya para ireklamo ang ina ng kanilang tahanan. Ayon sa isa sa mga anak, ilang beses niya raw nakikita na may ginagawa ang nanay at ang kabit nito. Ang masaklap pa ay tinatanggap daw ng ina niya ang perang ibinibigay ng kaniyang ama pero nagloloko pa rin.

“Yung kita kasi ni papa, binibigay kay mama, tapos si mama nagloloko. Ayoko naman na niloloko si papa kasi nagtratrabaho po siya para mabigay ang gusto ni mama, pero may mahal siyang iba… Lumalala lang ng lumalala kasi pinapatawad ni papa, kasi ayaw niya kaming maging broken family. Si mama naman kasi naging kampante… Since nagkaron ng cellphone si mama, nag-iba. Mas dalaga pa nga po siya kaysa sa akin,” sabi ni Dian Ayanan, anak ng mag-asawa.

Ayon sa ulat ng programa, sa bahay pa rin daw ng asawang lalaki tumutuloy si misis kahit na buntis na ito ng ibang lalaki.

Source: RTIA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén