Local News

Watch! ‘Showbiz Personalities dapat Mag Voluntary Drug Testing’ – Sen. Gatchalian

Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na dapat sumailalim sa volutnary drug testing ang mga showbiz personalities para ipakita ng mga ito na sumusuporta sila sa kampanya ng gobyerno laban sa droga. Sinabi ito ni Gatchalian sa programang “Usapang Senado” sa DWIZ matapos isiwalat ng Philippne Drug Enforcement Agency na mayroong 31 celebrities na kasali sa drugs watchlist ng pamahalaan.

“If you ask me, showbiz personalities should volunteer to undertake drug testing to show the public that the showbiz industry is supporting the anti-drug war,” sabi ni Gatchalian.

Magugunitang inudyukan ni PDEA Chief Aaron Aquino ang mga tv stations na magsagawa ng mga surprise drug testing sa kanilang mga artista.

“That is a good message for the public and it would enhance the image of an institution if it would conduct voluntary drug tests and show the country that it is supporting the campaign against illegal drugs,” dagdag pa ni Gatchalian.

(Lumaktaw sa 56:00 mark para mapakinggan agad ang pahayag ni Sen. Gatchalian).

Source: DWIZ | INQ | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: