Local News

Watch! ‘SI LUGAW, Hindi Talaga Essential’ DILG Official, Pinatamaan ba si Leni?

Kalat na ngayon ang video ng isang babaeng sumisita sa food delivery rider dahil sa pagpupumilit nito na hindi daw essential ang lugaw. Sa naturang video, pinagbawalan ng babae ang rider na mag-deliver dahil ayon daw sa direktiba ng Inter-Agency Task Force, hindi daw kasali ang lugaw sa mga essentials.

“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako… Hindi nyo ba naiintindihan?… Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw… Edi sana lahat ng pagkain bukas… Hindi po essential si lugaw, mabubuhay po tayong walang lugaw maghapon,” sabi ng babaeng sumisita.

Natanong namana ng opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) patungkol sa viral video. Para kay DILG Usec. Epimaco Densing III, tama daw iyon dahil hindi naman daw mahalaga para sa kanila “si lugaw”.

“Tama ‘yung sinabi niya. Sabi niya kasi, non-essential si lugaw. Pero kung sinabi niya essential ang lugaw, ‘yun tama ‘yun. Ang lugaw. Pero si lugaw ang binanggit niya. Non-essential talaga ‘yun sa paningin namin,” banat ni Densing.

Hindi naman tiyak kung si Vice President Leni Robredo ba ang pinasasaringan ni Densing. Naging bansag kasi ng mga Duterte Supporters kay Leni ang “Leni lugaw” dahil sa panayam nito kung saan sinabi niya na galing daw ang campaign funds niya sa pagbebenta ng lugaw.

Source: News One | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén