Local News

Watch! Singer Celeste Legaspi, Pinakabisado sa Pilipino ang Otso Diretso Jingle!

Dahil panahon na naman ng eleksyon, sari-saring paandar at gimik ang ginagawa ng mga tumtakbo para sa mga posisyon sa gobyerno. Mayroong nagbabahay-bahay para magpakilala sa mga tao. Ang iba naman ay gumgamit ng social media sa kanilang kandidtura. Siyempre, hindi pa rin mawawala ang paggamit ng campaign jingle.

Sa video na pinost sa Facebook, mapapanood ang singer at actress na si Celeste Legaspi na hinihikayat ang mga tao na kabisaduhin ang campaign jingle ng mga pambato ng oposisyon o mas kilala sa tawag na Otso Diretso. Ang Otso Diretso ay kinabibilangan nila Liberal Party Senator Bam Aquino, former DILG Secretary Mar Roxas, Erin Tañada, Attorney Chel Diokno, Attorney Romulo Macalintal, Samira Gutoc, Magdalo Representative Gary Alejano at former Solicitor General FLorin Hilbay.

“Ito ang i-memorize natin. Gutoc, Roxas, Macalintal, Diokno, Hilbay, Tañada, Aquino, Alejano. Gutoc, Roxas, Macalintal, Diokno, Hilbay, Tañada, Aquino, Alejano. Iboto sa senado, Otso Diretso.” sabi ni Legaspi.

Si Legaspi ay nakilala noon sa mga kantang “Mamang Sorbetero”, “Saranggola ni Pepe” at iba pa.

Hindi naman papahuli ang mga taga-suporta ng kasalukuyang gobyerno at gumawa sila ng isang video clip na nagpapakita ng kung ano ang gagawin nila sa mga kandidato ng otso diretso. TInawa nila itong Otso DIretso sa Inidoro.

Source: Anthony Comedia

Leave a Reply

Theme by Anders Norén