Local News

Watch! Suspek sa Hit-and Run sa Pasig, Nagsalita na! ‘Maayos ang aking kondisyon!’

Humarap na ang 29-anyos na suspek sa hit-and-run incident sa Pasig City na ikinaresulta sa pagkakabali ng paa ni Joseph Belen at pagkaka-comatose naman ng live-in partner nito sa si Rossana Ugto na kalaunan ay pumanaw din. Ayon sa suspek na nakilalang si Adrian Russel King Carlos, nakagulatan daw at purong aksidente an nangyari.

“Nasa maayos naman akong kondisyon. Nagkagulatan kami. So it was purely an accident. Yun pabalik na ako ng lane, hindi ko napansin na may tinamaan pala ako. Nalaman ko na lang the day after. So after that, medyo hindi pa ako sigurado kung ako ba talaga ‘yung napanood ko sa footage. So, it took me sometime to face ang ano na ito,” sabi ni Carlos.

Hindi kinagat ni Belen ang mga pinagsasabi ni Carlos.

“Kung may sasakyan kayo at kakalampagin ko lang ng kamay ko, maririnig niyo ma’m. Eh yung pa kayang may binaga ka,” resbak ni Belen.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Pasig City Police. Nagbigay naman ng opinyon ang hepe ng Pasig Police sa nangyaring krimen.

“Unang-una yung pag overtake sa kanan kasi blindside na yung sa kaliwa mo. Kaya nga hindi iyan kasama sa road safety na sinasabi. That is a classic example na hindi ka umo overtake sa kanan,” pahayag ni Pasig City Police Chief Rizalito Gapas.

Nais daw tumulong ng suspek sa pinansyal na pangangailangan ng mga biktima pero tinanggihan ito ng kampo nina Belen. Dahil sa pagpanaw ni Ugto, tinitignan ng panig ng biktima kung pwede nilang iakyat sa kasong murder ang isasampa nilang reklamo.

Source: CNN Phil

Leave a Reply

Theme by Anders Norén