Local News

Watch! Tribal Leaders, Kinumpronta sina Satur Ocampo dahil sa Pagkidnap sa Kabataang Lumad! “Nagkakagiyera dito, pag Pumapasok kayo!”

Inaresto nitong nagdaang araw sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo and ACT-Teachers Partylist Congresswoman France Castro sa dahil sa paglabas sa Republic Act 7610 or the “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”, matapos mahuli ng otoridad na ibinabiyahe ang ilang kabataang lumad.

Base sa kwento ni Ocampo, nagtungo lang daw sila sa itio Igang, Barangay Palma Gil sa Davao Del Norte para tulungan lang ang mga kabataang inuusig. Inakusahan pa nito ang militar. Sabi ni Ocampo, ipinasara raw ng militar ang Salugpungan learning center. Agad naman pinabulaanan ng ilang indigenous Leaders ang mga akusasyon ni Ocampo. Ayon sa mga kababayan nating indigenous Leader, ang tribal leaders umano ang nag-pasara mismo ng nasabing learning center dahil nagagamit umano ito ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) upang i-brainwash ang mga kabataan na lumaban sa gobyerno. Ibinunyag ng mga tribal leaders na tinangay ng grupo nila Ocampo ang mga bata ng walang permiso ng tribo.

“Hindi man sila inano doon, bakit kunin ng hating gabi, anong problema? May giyera bang nangyari sa bundok?,” sabi ni Municipal Executive Tribal Chieftain Bae Pilar Libayao.

“Isipin niyo ma’am estudyante namin pinap*tay ninyo, mga datu pinap*tay ninyo, maraming datu na pin*tay ninyo, tuwing papasok kayo dito may giyera,” pahayag naman ni Datu Andigao Agay.

Ito pa po ang ilang karagdagan videos kaugnay sa isyu na ito.

Source: Quiet No More PH
| Hukbo | Kalinaw News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén