Local News

Watch! Viral Lugaw Video, Ginawa ng Tiktok Skit!

Patok talaga sa mga netizens ang kuwestiyonebleng pagpapatupad ng curfew sa isang barangay sa Bulacan. Sinita kasi ng isang opisyal ang food delivery rider na maghahatid lang sana ng lugaw sa isang kustomer. Giit ng barangay official, hindi daw kasama sa mga essential items ang lugaw kahit na ipinapaliwanag na ng rider na pagkain ang lugaw at ang mga pagkain ay essential items na itinakda ng Inter-Agency Task Force. Nakilala ang barangay official na si Phez Raymundo.

“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako… Hindi nyo ba naiintindihan?… Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw… Edi sana lahat ng pagkain bukas… Hindi po essential si lugaw, mabubuhay po tayong walang lugaw maghapon,” sabi ni Raymundo.

Hindi na napigilan ang ilang kababayan natin an gumawa ng Tiktok video upang gawing katatawanan ang nangyari.

Tuwang-tuwa ngayon ang ilang netizens sa Tiktok video ng komedyanteng si Petra Mahalimuyak / Ashley Rivera. Ang video ng komedyante ay umani na ng libo-libong reaksyon at naibahagi na rin ng higit anim na libong beses.

Sa isang pahayag naninindigan si Raymundo sa ginawa niyang pagharang sa rider. Ayon kay Raymundo, may pinanghahawakan daw siyang ordinansa.

Nilinaw naman na ng Malacañang na hindi dapat hinaharang ang mga pagkain dahil ito ay maituturing na essential items. Ganito din ang posisyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa isyu.

Source: Petra Mahalimuyak / Ashley Rivera | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén