Local News

Watch! Viral na Barangay, Pinakulong ang 2 Babaeng Nagbigay ng Lugaw!

Hindi pa natatapos ang isyu patungkol sa barangay na nangharang ng food delivery rider na maghahatid ng lugaw, 2 babae naman ang kanilang ipinaaresto dahil sa pagde-deliver ng lugaw.

Ayon sa barangay, plinano at nag-video pa raw ang mga babae para insultuhin ang kanlang barangay. Nakaditine ang mga babae ngayon sa San Jose Police Station. Hindi pa mahingan ng pahayag ang dalawangbabae dahil lock down pa ang istasyon ng pulis.

“Binibidyuhan nila, so talagang plinano nila na ang barangay ay insultuhin. So wala na rin kaming… kasi harap na harap sa pulis noong dalhin nila ‘yung lugaw, kaya yung pulis ay nagalit sa kanila. Ang pulis na ang nag-desisyon na dalhin na sa istasyon at kasuhan ng unjust vexation kasi masyadong intentional ang kanilang ginawa,” sabi ni Barangay Muzon Chairman Marciano Gatchalian.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén