Local News

Watch! ‘Wala dapat Duterte Forever sa Pilipinas’ – Gary Alejano!

Sa isang press conference, natanong ang mga kandidato ng Opposition slate aka Otso Diresto kung ano ang opinyon nila sa naging pahayag ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara DUterte tungkol sa pagtakbo sa Presidential elections sa 2022. Matatandaang sinabi ni Sara na na magdedesisyun siya sa pagtakbo sa pagka-presidente sa 2021.

“Yung pagtakbo kasi ng presidente hindi ‘yan overnight na decision… It needs money, machinery at pinaka importante sa lahat yung wisdom at guidance ng Panginoon. Siguro gawa nalang tayo ng deadline, January of 2021,” sabi ni Mayor Sara.

Para kay Magdalo Congressman Gary Alejano ang giunagawa daw ni Mayor Sara ay early campaigning para sa 2022.

“Ang ginagawa ni Sara Duterte ay maagang pangangampanya para sa 2022, and I don’t think there should be a Duterte Forever sa Pilipinas,” banat ni Alejano.

(Lumaktaw sa ika-10:32 minuto ng video para mapanood agad ang mga pahayag ng senatoriables ng Otso Diretso tungkol sa sinabi ni Mayor Sara.)

Ilang araw lang ang nakalilipas ay nagpahayag ng mga positibong pananaw ang ilang personalidad sa politika tungkol sa ideya na maging Pangulo ng Pilipinas si Mayor Sara.

“I said this before, sometime in August last year and I’ll say it again – speaking of Mayor Sara Duterte, if the next leader of our country would emerge from the young, fresh, and new faces in national politics, my top choice right now is Sara Duterte,” sabi ni Senator Panfilo Lacson.

Tinawag naman ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na “rising star” ang anak ng kasalukuyang Presidente.

“Let me just say she is a rising star in Philippine politics even Senator Ping (Panfilo) Lacson saw that but let’s take it one election at a time lets make sure first the good people are elected now and let us talk about 2022 later on,” sabi naman ni Arroyo.

Source: Otso Diretso | Inq | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén