Local News

Watch! ‘Walang Kongkretong Plano para sa ating Bansa!’ – Pacquiao

Sa kaniyang panayam kay Tina Monzon Palma noong Hunyo 26, sinabi ni Senador Manny Pacquiao na walang siyang nakikitang direksyon para sa Pilipinas. Maging ang pangmatalgalang plano para sa ating bansa ay hindi daw niya nakikita.

Naging laman ng balita si Pacquiao nitong mga nagdaang araw dahil sa mga batikos nito sa kasalukuyang administrasyon. Base sa isang video na kumalat, binoladas ni Pacquiao na mas malala umano ang kurapsyon sa Duterte Government kumpara sa mga nakaraang administrasyon.

Dahil sa patutsada ni Pacquiao, hindi napigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na rumesbak.

“You know, when you are a champion in boxing, it doesn’t mean to say that you are a champion in politics,” sabi ni Pangulong Duterte.

Source: ANC | SMNI | MDM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: