Local News

Watch!’Kung ako Magulang, Kahit Makulong ako, Di ko na sila Bubuhayin!’ – Senator JV

“Hindi na gawa ng normal na tao, demonyo na gumagawa niyan,”

Ganito na lang ang naging reaksyon ni Senator JV Ejercito sa kaso ng pamamaslang sa grade 9 student na si Christine Lee Silawan na binalatan pa ang mukha. Ayon sa senador, kung sakaling siya daw ang magulang ng biktima ay baka mailagay niya ang batas sa kanyang kamay.

“Kung ako ang magulang ng bata, siguro kahit na makulong ako talagang hindi ko na bubuhayin (ang mgasuspek) sa ginawa nila,” sabi ni Sen. Ejercito.

Agn reaksyon ni Senador JV ay taliwas sa paniniwala ng Otso Diretso. Habang may mga kababayan tayo na nananawagan ng ibalik ang parusang bitay, ang mga kandidato ng Otso Diretso ay naninindigan na hindi rason ang pagkamatay ng dalagita para muling ipatupad ang death penalty.

Awang-awa naman si former Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa sa sinapit ni Silawan. Ayon sa dating head ng PNP, hindi mawawala ang sakit sa mga kaanak ng dalagita.

“Ang ginawa niya, sobra ‘yun, Kahit na mabitay siya, hindi maiibsan ang kalungkutan. Sobra ang ginawa,” pahayag ni Dela Rosa.

Kahapon ay inilabas na ng kapulisan ang litrato at impormasyon tungkol sa suspek. Kinilala ang salarin na si Jonas Bueno. Sa ulat ng Sunstar Cebu, sinasabing posibleng naging miyembro ito ng New People’s Army (NPA) at isang kulto. Nadadawit din umano ito at ang mga kapatid nito sa isa pang kaso ng pagpatay at pagbabalat ng mukha. Ang mga kapatid ni Bueno ay napatay na ng kaplisan sa isang operasyon.

Source: PTV | Sunstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén