Local News

‘Sa India P595 lang, Sa Pilipinas 18,000 ang halaga!’ Tulfo, Niratsadahan si Duque!

Hindi na talaga tinatanan ng mamamahayag na si Raffy Tulfo ang mga opisyal ng Department of Health na sina Eric Domingo at Health Secretary Francisco Duque.

Natuklasan ni Tulfo na mayroong daw milyong-milyong halaga ng Remdesivir na donasyon ang World Health Organization (WHO) sa DOH.

Kinuwestiyon din ng mamamamahayag ang tila mas mahal na singil sa Pilipinas ng Remdesivir. Ayon kay Tulfo, sa India ay pumapatak lang na 595 pesos ang kada turok ng gamot habang sa Pilipinas ay pumpalo na raw sa 18,000. Inaalam din ni Tulfo kung saang ospital napunta ang Remdisivir.

“Hinahamon kita Mr. Duque! Paki-account lang kung saan napunta ‘yung milyon-milyong Remdesivir na dinonate ng WHO. Puwede ba? In the name of transparency, ipakita niyo sa taumbayan ang mga pangalan ng ospital at kung sino-sino ang mga tinurukan. You don’t have to mention the name. Just tell us kung yung ba ay pang mahirap o mayaman, public o private. I’m sure hindi niyo kayang gawin iyon,” banat ni Tulfo.

Kamakailan lang ay hinamon na ni Tulfo si Duque na magbitiw bilang kalihim ng DOH. Banat ni Tulfo, huwag daw pahiyain ni Duque si Pangulong Duterte.

“Ngayon, ang malaking tanong ko sa iyo Dr. Duque. Bakit sa kabila ng napakarami ng panawagan na ikaw ay mag-resign mula sa iba’t ibang sectors, even senators na ka-alyado ng Pangulo, maging ang mga kapwa niyo doktor, bakit ayaw niyo pa rin sir? Ang sinasabi niyo ay, ‘I serve at the pleasure of the President’. Kung may prinsipyo po kayo at ayaw niyo mapahiya ang Presidente, do him a big favor, kayo na ang mag-resign para hindi siya napapahiya. Bakit kapit-tuko ka pa rin?” buwelta ni Tulfo.

Source: RTIA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén