Local News

Watch!’Tulungan niyo kami’ Rider na Nag-deliver ng Lugaw, Pinagbabantaan na!

Humihingi ngayon ng saklolo ang food delivery rider na sangkot sa viral “lugaw” video sa Bulacan. Ayon kay Marvin Ignacio, may mga lalaking nananakot sa kaniya matapos ang insidente.

Nag-viral si Ignacio sa social media matapos siyang sitahin ng tauhan ng Barangay Muzon na si Phez Raymundo. Sa kumalat na video, hinarang ni Raymundo si Ignacio at pinagsasabihan na hindi essential ang lugaw.

“Sana po matulungan ninyo kami. Pinagiinitan na naman yung Lugaw Pilipinas. May nagpunta po doon, tama po ba yun… Pasensya na po ha, kasi natatakot ako… Baka saktan nila ako… Kahina-hinala yung galaw nila. Wala silang kasamang barangay tanod, wala silang [police] mobile. Naka-motor lang talaga sila, tapos ang gusto nila isara yung tindahan kasi mayroon daw silang memo na pinapakita… Kung nakita nyo lang kanina paano ako brasuhin ng mga mama na ‘yun,” sabi ni Ignacio.

“KAILANGAN KO PO NG TULONG NIYONG LAHAT 😭😭😭 SANA PO MATULUNGAN NIYO AKO/KAMI NANGINGINIG PARIN PO AKO SA TAKOT NA NARAMDAMAN KO,” sagdag pa ni Ignacio.

sa isang bahagi ng video, sinabi ni Ignacio na siya raw ang sinisisi ngayon kung bakit gusto daw ni Raymundo na magpakamatay.

Paki-share at pakikalat ang artikulo na ito upang makarating sa kinauukulan.

Source: Manila Bulletin | Marvin Ignacio

Leave a Reply

Theme by Anders Norén