Local News

‘WATUSI PALA HA?’ Pacquiao, Rumesbak sa DU30 Govt!

Bumuwelta ang boksingerong-senador na si Manny Pacquiao sa naging reaksyon ni Presidential Spokepseron Harry Roque sa kaniyang akusasyon.

“Natatawa lang ako. Sabi nila ‘watusi.’ Sige, pagdating ko diyan, ‘watusi’ pala? Ipapalabas ko video, audio recording-kung papayag lang maipalabas pati audio recording…” boladas ni Pacquiao.

Magugunita na inakusahan ni Pacquiao ang kasalukuyang administrasyon lubos na katiwalian. Ayon pa kay Paquiao, mas malala pa raw ang korapsyon sa Duterte Government kumpara sa administrasyong ni PNoy. Sinabi din ni Pacquiao na maglalabas siya ng mga ebidensiya ng korapsyon.

Pero ang mga alegasyon ni Pacquiao ay tila minaliit lang ni Roque.

“Watusi po. Akala ko atom bomb. Watusi pala… Walang kwenta. Walang ebidensiya… Hindi ko alam ano pa ang dapat nilang pag-usapan eh inuna na niya (Pacquiao) ang media,” banat ni Roque.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbigay na rin ng reaksyon sa mga patutsada ni Pacquiao.
Tinawag din Pangulong Duterte si Pacquiao na punch-drunk.

Base sa depenisyon ng Merriam-Webster online dictionary, ang salitang “punch-drunk” ay pinsala sa utak na dulot ng paulit-ulit na suntok sa ulo.

“suffering from brain injury from repeated blows to the head : affected with or exhibiting chronic traumatic encephalopathy.”

“My friends, don’t believe that P10 billion is missing… To be talking about P10 billion from nowhere, will I allow, will we allow, will the secretaries of the department allow that something like that will be missing? P10 billion. That is a statement coming from a guy who is punch-drunk. Drunk,” banat ni Pangulong Duterte.

Source: Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: