Local News

Leftist Congresswoman, Nagpasalamat sa Pagtatanggol ni Speaker Velasco

Nagpasalamat ng husto ang makakaliwang kongresistang si ACT Teacher Partylist Representative France Castro kay House Speaker Lord Allan Velasco dahil sa pagtatanggol daw sa kanila nito. Ayon sa miyembro ng Makabayan Bloc, dama nila na sila ay protektado dahil sa ginawa ni Velasco.

“Lubos naming pinasasalamatan si Speaker Velasco. Yung ginagawa niyang pagtatanggol sa kanyang kasamahan, lalo na siya ay Speaker… Sa panahon ko sa [House of Representatives], ngayon lang nagkaroon ng Speaker na may written statement pa para protektahan ang Makabayan bloc mula red tagging… We feel protected and assured kami sa pahayag ni Speaker. Pero syempre ingat pa rin kami sa aming kaligtasan,” sabi ni Castro.

Magugunita na kinastigo ni Velasco si Lt. General Antonio Parlade dahil sa pag-uungay sa Makabayan Bloc sa rebeldeng komunista. Ayon kay Velasco, Hindi raw tama ang ginagawa ng army official.

“As Speaker of the House, I am duty-bound to protect them from potential harm due to these careless accusations so that they may carry their legal and constitutional mandate as members of Congress… General Parlade should be more circumspect and cautious in issuing statements against House members whose lives he may place at great risk and danger sans strong evidence… We may not not agree with them on certain issues but be mindful that these lawmakers are duly elected representatives of the people, and implicating them on issues that have yet to be substantiated Is uncalled for,” boladas ni Velasco.

Ayon sa ilang ulat, sinuportahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang paghahangad ni Velasco na maging speaker ng Kamara.

Sa isa namang pahayag noon, sinabi ni Mayor Sara na dapat ng sipain sa kongreso ang Makabayan Bloc dahil ginagatasan lang daw ng mga ito ang kamara. Hinalintulad pa nga ni Mayor Sara ang mga leftist congressmen sa mga terorista.

“Congress should expel the members of the Makabayan bloc. The party-list system is the milking cow of terrorists. These militant groups, who masquerade as pro-people, only want to sow hostility and chaos, especially to those who reject them and the terrorist groups they support the new Peoples Army, the national democratic front of the Philippines and the communist party of the Philippines,” pahayag ni Mayor Sara noong 2018.

Ganito ba dapat tumanaw ng utang na loob si Velasco kay Mayor Sara? Kayo na po ang humusga.

Source: Inquirer | THe Manila Times | UNTV | Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén