Local News

“We’re not your colony” Senate Pres. Sotto, Sinupalpal ang mga US Senators na gustong Palayain si De Lima!

Kanina lang ay pumutok ang balita ng pagkakapasa ng resolusyon ng United States Senate foreign relations committee para kundinahin ang pamahalaan ng Pilipinas dahil sa patuloy na pagkakakulong kay Senador Leila De Lima. Ipinanawagan ng mga Amerikanong Senador na palayain na si De Lima.

Ilan sa mga Amerikanong Senador na sumusuporta sa nasabing petisyon ay sina Senator Ed Markey at Senator Dick Durbin.

Gusto rin ng mga ito na maparusahan sa pamamagitan ng pagkansela ng US visa at pag-freeze sa assets ng mga opisyal ng Pilipinas na may ugnayan sa pagkakakulong kay De Lima.

“For over 1,000 days now, @SenLeiladeLima has languished in prison. Her crime: standing for human rights and good governance in the Philippines. Today’s passage of my resolution out of @SenateForeign demonstrates broad support for accountability in her case and with others,” boladas ni Sen. Markey sa kanyang social media account.

Ang pangingialam ng mga Amerikanong Senador sa “internal affairs” ng Pilipinas ay sinupalpal nina Senate President Tito Sotto at ni Senadora Imee Marcos.

Banat ni Sotto, hindi na kolonya ng Amerika ang Pilipinas at may sariling sistema ng hudikatura ang ating bansa.

“We are a sovereign nation. We have our own judicial processes. What will they say if we pass a resolution asking the US to put in jail all abortionists in their country considering abortion is illegal in ours?” sabi ni Senate President Sotto.

“Sovereign states have exclusive jurisdiction to hear and decide the violation of their own laws. We are not a colony anymore,” dagdag pa ni Sotto.

Resbak naman ni Senadora Imee, garapal daw ang mga pangingialam ng mga banyagang senador sa Pilipinas.

“Sa palagay ko, talagang garapal na pakikialam ‘yun kaya tigilan na nila. Hindi na tayo little brown brother, hindi na tayo colony ng America. Dapat konting respeto rin…Ang galing naman nila mas marunong pa sila sa Filipino tungkol sa Pilipinas. Huwag naman ganun, konting respeto naman. Panghihimasok ‘yun, 1910 pa rin ba tayo? Hindi. Mali na ‘yan,” banat naman ni Senadora Imee.

Source: GMA News | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén