Local News

“Why does Philippine media always give bad news about your country?” Sabi ng Korean Media, ayon sa Filipino Journalist!

“Talking to a Korean media friend and he asks “why does your media always give bad news about your country to the world? Can they not help without other countries involved? Don’t they love your country?” And I can only stay silent,”

Ganito ang rebelasyon Beteranong Pilipinong mamamahayag na si Ira Panganiban sa kanyang social media account.

Ang post ni Panganiban ay kasabayan ng pagtutok ng malalaking mainstream media sa mga negatibong aspeto ng Souteast Asian (SEA) Games.

Sa hiwalay na post, binanatan din ni Panganiban ang mga Pilipino na puro negatibo ang komento tungol sa SEA Games.

“Noong pinakita mga fake na pangit na sports venues “potah ang pangit kakahiya tayo!” Nung pinakita totoong magandang venues “ang mahal saan gagamitin yan pagkatapos!” Taena walang tamang ginawa ano?” banat ni Panganiban.

Ang pagtutok ng media sa negatibong bahagi sa SEA Games ay nag-umpisa noong batikusin ni opposition senator Frank Drilon ang P50 million cauldron na gagamitin sa palaro. Para sa mambabatas ng oposisyon, tila kalabisan daw na gumastos ng ganoong kalaki. Sa isang pahayag, sinabi ng Bases Conversion and Development Authority President (BCDA) na ang malaking bahagi ng pondo para sa cauldron ay ginamit sa underground flaming mechanism upang maging ligtas ang mga manonood at mga atleta na magtutungo sa Clark City.

“The flaming mechanism must be underground and must far away to avoid any accidents. I think that was the most expensive part… But like what I said. the cauldron is a symbol. It is a tribute and monument to the sport and to our athletes, “ paliwanag ni BCDA President Vince Dizon.

Magugunita na nito lang nakaraang araw ay nag-report ang CNN Philippines tungkols a SEA Games at ipinakita ang maduming swimming pool sa Rizal Memorial Complex sa Maynila kahit na ang swimming event ay gagawin sa Clark City sa Tarlac.

Ang larawan ng maduming swimming pool ay tinanggal ng CNN Philippines matapos itong batikusin ng mga netizens.

Source: Ira Panganiban

Leave a Reply

Theme by Anders Norén