Local News

World-Class Sport Stadium ng Pinas, 88% nang Tapos!

Ibinida sa People’s Television (PTV) ang sports facilities at 20,000 seater athletic stadium na gagamitin para sa 2019 South East Asian Games. Ayon sa ulat, 88% nang tapos ang nasabing proyekto na pinasinayanan 15 buwan lang ang nakalilipas. Kapansin-pansin din na moderno at bago ang mga kagamitan sa nasabing pasilidad. Kasama rin sa itinatayo ay ang dormitoryo para sa mga atleta. Magkakaroon din ng aquatic center na na kayang maglaman ng 2,000 katao.

Ang proyekto ay bahagi ng Build Build Build program ng Duterte Adminstration.

“Puwede tayo mag host ng world championship. Puwede tayong mag host kahit olympics sa stadium na ito. Hindi lang siya pang regional games o hindi lang palarong pambansa, certified na siya na international athletics federation as a class 1-A facility,” sabi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon

Inaasahang matatapos ang proyekto sa buwan ng Agosto ngayong taon.

Hinangaan naman ng mga bumisitang senador ang naging mabilis na trabaho sa pasilidad.

“Continuity, sustainability at predictability. Ito ang classic example ng nangyayari kapag may political will,” sabi ni outgoing senator Gregorio Honasan.

Ikinatuwa naman ng lang kababayan natin ang naging ulat ng PTV.

“Wow…Yan ang tatak duterte build3x project god bless every one keep up the good work,” sabi ni A. Adasrac.

“Wow na wow…We love you our dear president..God bless you with good health and long life..Keep it up andito ang sambayanang Pilipinas para sumuporta..,” sabi ni J. Pico.

“Thanks PTV for these Reports regarding the Administrations’ Programs and Accomplishments! Keep Up the Good Work!,” sabi ni A. Dolot.

Source: PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén