Local News

World Health Organization, “SATISFIED” at Pinuri ang DU30 Govt sa Paglaban sa Coronavirus!

Nasiyahan ang World Health Organization (WHO) sa hakbang at aksyon na ipinatupad ng gobyerno ng Pilipinas para malabanan ang pagkalat ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

“We are satisfied so far with the measures being implemented by the government of the Philippines… WHO commends their [sic] actions taken by the Philippine Government to strengthen its preparedness, to build capacity to detect cases… I believe that the Philippine government has been responding to an evolving situation…“With the emergency of disease and the emergence of more information, the government response has been proactively strengthened,” sabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO Representatives sa Philippines.

Patuloy daw tutulong ang WHO upang mapagtuunan ng pansin ang karamdaman sa Pilipinas.

Magugunita na nitong Linggo ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang temporary travel bans amga banyagangn manggagaling sa anumang bahagi ng China. Hindi kasama sa direktibang ito ang mga Pilipino.

Sa kabila ng positibong reaksyon ng WHO, may ilang kababayan tayo na binabatikos ang diumano’y “late” na pagpapatupad ng travel ban.

Rumesbak naman si Communications Secretary Martin Andanar sa mga kritiko ng gobyerno.

“It’s not late. In fact, very timely ang decision ng gobyerno (The government’s decision was very timely). Again, we follow also the directives and also the recommendation from the World Health Organization, the Department of Health,” buwelta ni Secretary Andanar.

Para naman kay Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval, gumawa ang gobyerno ng kaukulang aksyon para malabanan ang nakamamatay na sakit.

” Naka-angkla po tayo (We are relying) on the recommendations of the World Health Organization. Ang ating (Our) Department of Health is equipped in assessing the situation and the needs of our country kung kailangan po natin ng travel ban (if we need to implement a travel ban),” sabi naman ni Spokesperson Sandoval.

Source: Philippine News Agency | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén