Local News

Wow Sipag! 92-Anyos na Lola, Pinakamatandang Fast Food Crew?

Usap-usapan ngayon sa social media ang lola na service crew ng Chowking sa Legarda, Maynila. Ang edad kasi ni Lola Florirose “Rose” Talastas ay 92-anyos na. Pero hindi ito hadlang para makapagtrabaho pa siya.

Sabi ni Lola Rose, kaya pa ng kanyang katawan ang magtrabaho at tila naiinip pa daw siya pag walang ginagawa.

Si Lola Rose ay pumpasok ng apat na oras at pinaggagawa lang ng magagaan na gawain.

Si Lola Rose ay dating traffic enforcer pero ngayon ay customer relations staff na.

Matatandaang hinikayat ni Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso ang mga fast-food chains na tumanggap ng senior citizen at persons with disabilities (PWD) na mga service crew upang mabigyan ang mga ito pagkakataon .

“Give them a chance, an opportunity to earn hanggat kaya pa nila… Marami diyan gusto magtrabaho hindi para kumita pero para makapaglibang, meron ba silang magawa na makadadagdag sa productivity level nila… Meron naman diyan na kaya pa nila, gusto pa nila kumita, o bigyan natin ng pagkakataon,” sabi ni Mayor Isko

Bumilib ang mga netizens sa ginawa ni Lola Rose. Narito po ang ialng sa kanilang mga komento at reaksyon.

“Wow, you are amazing lola. May God give you healthy life and strength and longer life. You are an inspiration to those who are young and strong yet they dont like to work,” sabi ni G. Taguinay.

“One truly admirable lola. And yes, thank you Chowking for setting the trend. I’m sure more and more businesses will open job opportunities to our senior citizens,” sabi ni M. Teves.

“More power LOLA saludo po kmi sobrang cpag nyo smantlang yung iba mllkas p katawan mpili p sa, trabaho,” sabi ni J. Quitoriano.

“Wow naman walang pinipiling edad basta kaya pa i’m so proud of you lola gogogo god bless po,” sabi ni M. Gino.

Source: GMA News | ABS-CBN | Manila Public Information Office

Leave a Reply