Local News

Writer, Hinimok ang GMA na Sibakin si Clavio dahil sa Ginawa kay Sara Balabagan!

Hinikayat ni Manila Bulletin Lifestyle Writer Krizette Laureta Chu ang pamunuan ng GMA network na sisantihin si Arnold Clavio dahil sa pananamantala diumano sa Overseas Filipino Worker (OFW) na si Sara Balabagan noong dekada nobenta. Si Balabagan ay naging kontrobersiyal dahil sa naging kaso nito sa UAE matapos ipagtanggol ang sarili sa tangkang panggagahasa ng kanyang amo.

Sa social media video ni Balabagan, ibinunyag nito na si Clavio ang ama ng kanyang pananganay na anak. Sinabihan din daw siya ni Clavio na ilihim ang kanilang relasyon. Ayon kay Balabagan, nangyari ang kanilang ugnayan noong 17-anyos pa lamang siya.

“Ang sabi kasi sa akin noon ni Arnold, e, walang aminan. Kahit ano raw ang mangyari, e, ‘wag akong aamin… I was 17 years old nu’ng mga panahon na ‘yun at talagang napaniwala niya ako,” pagbubunyag ni Balabagan.

Para kay Chu, tila magiging cheap daw ang media kung pananatilihin ng Kapuso Network na host ang mamamahayag.

“GMA News kaya ba ng konsensya nyo to employ someone who took advantage of a young 17 girl old girl who suffered at the hands of her employer? Made her pregnant, told her to shut up, and kept it from the public? No accountability.

And ihaharap nyo sa amin yan, delivering news? A liar through and through? You will risk being the best news and current affairs channel because of a man whose USP is having a puppet?

We hope NEVER to see him again.
Annette Gozon Valdes Jessica Soho Jessica Soho

Please don’t cheapen media by continuing to make him a news anchor and TV host. And I hope you did not allow him to get away with this blatant evil for years. What kind of TV personality is this, without any moral compass?


Every time we see him on TV NAKAKASUKA,”
sabi ni Chu.

Source: Krizette Laureta Chu

Leave a Reply

Theme by Anders Norén