Local News

Wuhan Medical Workers, Sobrang Pagod sa Paglaban sa Coronavirus! Sa Lapag ng Ospital na Natutulog!

Ibinahagi ng Malaysian Chinese-language newspapers na Oriental Daily News ang ilang litrato kung saan makikita ng mga duktor at mga medical workers na natutulog na sa ospital.

Hindi na magkandaugaga ang mga staff ng ospital sa WUhan CHina dahil sa sobrang dami ng mga pasyenteng kailangan nilang pagserbisyuhan. Kaya kung mayroong munting pagkakataon na makapagpahinga ay ginagawa nila ito. Hindi na nila alintana kung sa lapag o sa mga silya na sila natutulog dahil sobrang hapo na ang mga ito.

Ayon sa Oriental Daily, ang iba pa raw ay may dala ng diapers dahil wala ng oras para magpunta pa sa palikuran.ang mga litrato ay galing sa Chinese social media site na Weibo.

Base naman sa Singporean social new site na Mothership.sg, pinili daw ng mga WUhan doctors at nurses na manatili sa ospital sa kasagsagan ng CHinese new year dahil batid daw nila na kailangan sila ng mga pasyente.

Kinilala naman ng mga Chinese netizen ang sakripisyo ng mga Wuhan medical workers upang malabanan ang epidemiya ng 2019 novel coronavirus sa kanilang bansa.

Sa kasalukuyan ay may libo-libong tao na ang nahahawaan ng sakit at lagpas 200 na rin naitatalang pumanaw na.

Kamakailan lang ay idineklara na ng World Health Organization (WHO) na “global health emergency” na ang epidemiya ng coronavirus.

“The main reason for this declaration is not because of what is happening in China but because of what is happening in other countries… Our greatest concern is the potential for this virus to spread to countries with weaker health systems which are ill-prepared to deal with it… This declaration is not a vote of non-confidence in China… On the contrary, WHO continues to have the confidence in China‚Äôs capacity to control the outbreak,” sabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Kahit ganun pa man hindi pa rin inirerekomenda ng WHO na limitahan ang pagbiyahe at pagnenegosyo sa China.

Source: Oriental Daily | Mothership.sg | | Inquirer | Bloomberg | WHO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén