World News

“Yakap sa Hangin” Dahil sa Coronavirus Scare, Nanay na Nurse at Anak Hindi Makalapit sa Isa’t-isa!

Nakakaantig na dadamin ang eksena sa ospital sa China. Isang nurse sa probinsiya ng Henan ang hindi man lang malapitan ang sariling anak dahil sa pangamba na mahawaan ito ng coronavirus. Kaya ang ginawa na lang ng mag-ina ay mag-muestra na tila nagyayakapan, kahit magkalayo ang mga ito. Mapapanood sa video na idinadaan na lang ng dalawa sa iyak ang kanilang kalungkutan. Tinawag ng China XInhua News Agency ito na “air hug”.

“Be good. Mum is fighting monsters. I will be back home one the cirus is beaten,” sabi ni Liu Hayan sa kanyang anak.

Dahil hindi malapitan ng anak ang nanay na nurse, inilagay na lang nito sa lapag ang pagkain na dala niya para sa ina.

Hindi pinapayagan ang mga medical workers sa naturang lugar na direktang makahalubilo sa kanilang mahal sa buhay dahil sa mabilis na pagkalat ng sakit.

Ang video ng Xinhua News Agency ay umani ng lagpas 6 na milyong views. Habang isinusulat ito ay naibahagi na ang video ng higit 152,000 beses.

Source: China Xinhua News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén