Local News

‘Yes! Lugaw si Leni! She is Non-Essential’ DILG Official, Dineretso na ang Banat kay Robredo!

Hindi patitinag si Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Epimaco Densing III sa mga kritiko niya. Lalo niyang pinanindigan na si Vice President Leni Robredo ay non-essential.

“Yes. Lugaw is Leni. She has been a non-essential in this fight against the virus. Unfounded comment on IATF,” banat ni Densing.

Magugunita na sa naunang panayam ni Densing sa One News ay pabirong pinahapyawan nito si Robredo.

“Tama ‘yung sinabi niya. Sabi niya kasi, non-essential si lugaw. Pero kung sinabi niya essential ang lugaw, ‘yun tama ‘yun. Ang lugaw. Pero si lugaw ang binanggit niya. Non-essential talaga ‘yun sa paningin namin,” sabi ni Densing.

Nagkomento si Densing laban kay Leni matapos mag-viral ang video ng isang babae na naninita ng food delivery rider dahil sa paghahatid ng lugaw. Ayon sa babae sa video, ang lugaw daw ay non-essential items.

“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako… Hindi nyo ba naiintindihan?… Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw… Edi sana lahat ng pagkain bukas… Hindi po essential si lugaw, mabubuhay po tayong walang lugaw maghapon,” sabi ng babaeng sumisita.

Nilinaw naman ng ilang opisyal ng Duterte Administration na kasama ang lugaw sa mga essential items dahil pagkain ito.

Source: Manila Bulltein

Leave a Reply

Theme by Anders Norén