Local News

#YesToABSCBNShutDown, Nag-Trending sa Twitter pero Hindi Binalita ng Mainstream, ayon sa Radio Host!

“Hindi ba’t kahilig nilang magbalita na kesyo nag-trend ang this and that sa Twitter? Pero kapag hindi nila kasundo ang balita, hindi nila ibinabalita. e.g. #YesToABSCBNShutDown Pero hindi, hindi sila biased, ha?”

Ganito ang naging banat ng radio host, columnist at pro-government blogger na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy matapos mag-trending sa twitter ang hashtag na #YesToABSCBNShutDown.

Magugunita na noong kasagsagan ng isyu patungkol sa pagkalat ng coronavirus, ilang media outlets ang nagbalita tungkol sa pag-trending ng hashtag #OustDuterte na isinulong ng mga kritiko ng administrasyon.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay pumalo na sa higit 500 ang nagbahagi ng post ni Nieto at umani na rin ito ng libo-libong reaksyon mula sa mga tagasubaybay niya.

Kahapon ay naghain si Solicitor General Jose Calida ng “quo warranto” laban sa prangkisa ng ABS-CBN. Inakusahan ni SolGen Calida ang network ng pang-aabuso sa prangkisa nito. Dahil sa naging hakbang ni Solicitor General Calida, bumagsak ang shares ng ABS-CBN sa stock market.

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay mapapaso na sa Marso 30, 2020. Hanggang ngayon ay walang pang ginagawang pagdinig sa kongreso ukol dito. Si Pangulong Duterte naman ay makailang ulit na nagbanta na haharangin niya ang pagpapalawig ng prangkisa ng media giant.

Naglabas naman na ng pahayag si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ukol sa petisyon na inihain ni SolGen Calida.

“The clamor of some people for the continued operations of ABS-CBN should therefore not be addressed to the President nor to any official or agency of the Executive Branch. If they believe that the franchise should not be revoked, then they should address the same to the lawyers defending ABS-CBN in the quo warranto petition in order that the High Court may consider their positions. If, on the other hand, they feel that the franchise of ABS-CBN should be renewed, then they are free to lobby for it before their representatives in Congress,” sabi ni Panelo.

Source: Thinking Pinoy | Twitter Trending Topic | | GMA | Inquirer | Office of the Presidential Spokesperson

Leave a Reply

Theme by Anders Norén