Local News

Panoorin! ‘Yolanda Rehab Czar ka pero Hindi Mo Naayos!’ Ping, Sinopla ng Radio Host!

Source: Banat By

Binoljak ng radio host / vlogger Byron Cristobal si Senador Ping Lacson dahil sa palaging pagbatikos nito sa gobyerno pagdating sa pagtugon sa pandemiya.

Buwelta ni Cristobal, si Lacson ay naggagaling-galingan daw pero wala naman binatbat. Isa sa mga pagkakataon na hinalimbawa ni Cristobal ay noong itinalagang Yolanda Rehabilitation Czar si Lacson pero kaluanan ay nagbitiw at sinisisi pa ang gobyerno ni former president Noynoy Aquino.

“Ikaw pala ang rehab czar ng Yolanda, ano ang nangyari? ‘Yan ba ang accomplishment mo? Tapos ngayon dunung-dunungan… Kamusta ang rehabilitation ng Yolanda? Naayos niya ba? Hindi! Alam niyo kung bakit? Nag-reklamo siya. Ang taong ito pinanganak na reklamador,” buwelta ni Cristobal.

Ipinaalala din ni Cristobal ang kapanahunan ni Lacson bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

“Ano bang accomplishment mo sa buhay?… Galing-galingan at dunung-dunungan kung ngayon mo lang siya babasahin… ‘Pag tinignan mo ang nakaraan niya ay naging PNP Chief iyan. Naayos niya ba ang Pilipinas noong PNP ka? Nasolusuynan mo ba ang krimen? Hindi!” resbak pa ni Cristobal.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén