Local News

Panoorin: ‘Yung Mukha mo, Di Na Maayos’ – Sen. Go kay Congressman Lagman

Sa kanyang privilege speech nitong Martes, hindi mapigilan ni former Special Assistant to the President at ngayo’y Senador Bong Go na resbakan si Albay 5th District Rep. Edcel Lagman dahil sa pagbanat at pagkuwestiyon ng kongresista sa Malasakit Centers.

Magugunita noong nakaraang linggo sa congressional hearing ay sinabi ni Lagman na maaring nagagamit ang Makasakit Centers sa pamumulitika.

“I think there should be a legal basis for you to fund these Malasakit Centers and I would suppose that there is a need for you to investigate and validate the effectivity of these Malasakit Centers,” boladas ni Lagman.

Ang pahayag na ito ni Lagman ay hindi nagustuhan ni Go. Kaya sa kanyang talumpati, maaanghang na salita ang pinakawalan ni Go laban sa kongresista.

“Klaruhin ko lang po, hindi po tinatanggap ng PCSO ang mga request to fund aesthetic enhancements or any cosmetic purpose. Gusto man naming kayong tulungan hindi po ‘yan parte ng medical concern na ginagawa ng assistance ng PCSO. Wala rin pong legal basis ang pagtulong sa pag-repair ng inyong mukha,” buwelta ni Go.

“Prangkahin ko na rin po kayo, your image is beyond repair, hindi po ikakaayos ng pagmumukha ninyo ang pag-kontra ninyo sa interes ng mga Filipino,” dagdag pa ng senador.

Ang Malasakit Centers ay pet project ni Senador Go. Nilinaw din ni Go sa kanyang talumpati na para sa taumbayan ang mga Malakasakit Centers.

“Congressman Lagman, do not be anti-poor. Ang pera ng tao, nararapat lamang na ibalik sa tao. Mahiya kayo sa mga constituents ninyo. Mahiya kasyo sa milyun-milyong Pilipinong natulungan na ng programang ito… Hindi po pamumulitika ang pagbabalik sa mga kababayan natin ng perang sakanila naman talaga. Pera po ng tao yan sa kanila yan. Bakit ba natin ipagkait ang kanilang buwis para mapagamot ang kailang karamdaman,” paliwanag pa ni Go.

Source: Inquirer | Bong Go | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén