Local News

‘ZERO Real Big Fish sa War on Drugs!’ – Bias GMA7 Host

Magugunita na nitong umapis ng Enero ay nagsagawa ng press conference si Vice Presdient Leni Robredo at sinabing “massive failure” daw ang kampanya kontra-droga ng Duterte at kung bibigyan itong grado ay “1 out of 100” daw ang magiging marka.

“Failure talaga siya… Isipin na lang natin kung exam ito, ang magiging score ng ating pamahalaan ay 1 over 100… Kung gusto talaga nating tapusin ang salot ng mga iligal na droga, mga malaking supplier at hindi lang ang maliit na pusher ang kailangan nating habulin… Sa kabila ng lahat ng Pilipinong pinatay at lahat ng perang ginasta, hindi lumampas sa 1 percent ang naipit natin sa suplay ng shabu at sa perang kinita mula sa droga,” boladas ni Vice President Robredo.

Ang sinabi na ito ni Robredo ay sinagot ng Philippine National Police (PNP). Ayon sa kapulisan, maaaring nakakuha si Robredo ng hindi kumpletong datos. Giit pa ng PNP, 100 porsyentong matagumpay ang laban kontra sa droga.

“When we say massive failure, it’s really unfair. With 14 clandestine laboratories destroyed, with 419 drug dens dismantled, this could not be the 1% cited by the vice president, this may be, in fact, the 100% rate of success at this time… With her 18 or 19 days of stay as co-chair of the ICAD, it’s not a complete picture of the situation,” sabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.

Sa isang social media post, pinasaringan ni GMA 7 resident analyst / host Richard Foronda Heydarian ang sinabi ng PNP. Banat ni Heydarian, wala raw malalaking isda ang natimbog sa kampanya kontra-droga.

“Yup and ZERO real Big Fish so far,” sabi ni Heydarian.

Ang patutsada na ito ni Heydarian ay sinagot naman ng ilang netizens. Banat ng mga kababayan natin, hindi raw ba maituturing na big-time ang mga Parojinog at si Senadora Leila De Lima na nakakulong ngayon dahil sa diumno’y koneskyon nito sa kalakalan ng droga sa Bilibid.

Source: Manila Bulletin | Richard Foronda Heydarian

Leave a Reply

Theme by Anders Norén